Sabado, Oktubre 19, 2013

Mga Pangyayari at SAlik na Nagbigay-Daan sa Pag-Usbong ng Nasyonalismo ng mga Pilipino

Ang pagbubukas ng Suez Canal, umulad ang sistemang paglalakbay, lalong umunlad ang pandaigdigang kalakalan ng Pilipinas at naging madalas ang pagtungo ng mga dayuhang mangangalakal sa Pilipinas dala ng kanilang kaisipang liberal.
Kaisipang liberal, noong 1868, ipinadala ng Espanya si Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre upang pamunuan ng Pilipinas.
Dalawang uri ng Lipunan, Ua ang PRINCIPALIA at ang MASA.
Ilustrado, Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at si Mariano Ponce.
Kilusang Sekularisasyon.
Dalawang uri ng Pari, Regular at Sekular.
Padre Pelaez ay ang namuna at nagtatag ng kilusang sekularisasyon kabilang na ang GOMBURZA.

Pagabago sa Lipunan at Salik ng Pagbubukas ng Bansa sa Pandaigdigang Kalakalan at Ekonomiyang Cash Crop

Sa pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, nagsimulang makontrol ng ibang bansa lalo na ng Inglatera ang takbo ng ekonomiya. Naging tagatustos ang bansa ng mga hilaw na materyales na nagmula sa mga produktong cash crop, napabayaan ang industriyalisasyon. Bunga nito, umasa na lamang ang bansa sa mga niyaring kalakl o manufactured goods na nagmula sa mga bansang industriyal.
Nagsimula ang paggamit ng sa Pilipinas lalo na sa Maynila ng elektrisidad, telepono, telegrapo, at maging ng tren sa transportasyon. Nagdagdag din ng mga bangko at nabuksan ang serbisyo ng koreo sa pagitan ng Maynila at mga probinsya.
Dinala rin sa bansa ng mga Ingles ang ilang agrikultura tulad ng mga sugar milk. Sa pagpasok ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, tuluyan nang nawala ng control ang Espanya sa ekonomiya ng bansa.
Nagkaroon ng pagbabago sa batayan sa pag-uri g tao sa liunan matapos ang pagpasok ng Pilipinas noong ika-19 na dantaon sa pandaigdigang kalakalan.
                                                                                                                                  



Pagbabago sa Ekonomiya Noong Ika-19 na Siglo Bunga ng Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

Nang magsimula ang Himagsikan, mahigit 200 taon nang pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas. Noong panahong iyon, nasa kamay ng mga nangangasiwa sa Intramuros at sa mga prayle ang kapangyarihann sa kolonya, kahit sa katotohanan, sa prayle lang talaga ang kaangyarihan noon, dahil sa hawak nila sa mga karaniwang tao. Pinahirapan ng mga Kastila ang mga katutubo (o sa termino ng mga kastila, indio) sa pamamagitan ng sobrang pagpapabubuwis at sapilitang pagpapagawa (polo). Dahil ditto, ilang pag-aalsa na ang naganap sa Pilipinas sa mahigit 4 na siglo, lahat di nagtagumpay. Ito’y salamat sa patakaran ng mga Kastila ng divede et impera-hatiin at sakupin. Halimbawa, magpapadala ang mga Kastila ng mga sundalo mula sa mga lalawigang Tagalog para supilin ang isang pag-aalsa sa Ilocos, at isang pag-aalsa sa Kabisayaan ang pinigil ng mga sundalo mula Pampanga. Ito ang nagpatindi ng hidwaan sa pagitan ng mga Pilipino, hindi magkakaisa hanggang sa ika-19 na siglo.
Kung ano ba ang napalunsad sa Himagsikan ay mai-uugat sa mga panlabas at panloob na mga sanhi. Ang panlabas na sanhi ay ag pagbukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produkto galling sa ibayong dagat, mga kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan ay dumaan sa Suez at papunta sa Pilipinas-bagay na di lubos na nagustuhan ni ng mga nangangasiwa kulunyal o ng mapagkakakitaang kalakalang ito-ang mga ilustrado. Pinadala ng mga ilustrado ang kanilang mga anak sa mga pamantasan sa Europa, kung saan sinimulan ng marami sa kanila (sina Rizal, Lopez-Jaena, atbp) anng nagtatag ng Kilusang Propaganda.



Kawalan ng Diwang Makabansa Bilang Sanhi ng Kabiguan ng mga Pag-aalsa

Sa tatlong dang pag-aalsa ang nangyari sa bansa. Bagamat nabigong lahat ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Dahil na din sa kawalan ng pambansang pagkakaisa. Karaniwang pansarili ang dahilan at panrehiyon lamang ang partisipasyon ng mga kasama sa pag-aalsa. Maging ang makikinabang sa ipinaglalaang layunin ng mga pag-aalsa ay masasabing local din. Bunga nito, maituturing lamang na patriotism o pagmamahal sa particular ang damdaming nagbuklod sa mga pag-aalsa.
Naging matagumpay ang mga Espanyol sa paghadlang sa pagkabuo ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino. Epektibo ang pagpapatupad ng estratihiyang divide et impera (divide and conquer) para hadlangan ang pagkabubuklod ng mga Pilipino bilang isang bansa. Sinamantala ng mga Espanyol ang sinaunang pagkawatak-watak ng mga Pilipino bilang magkahiwalay na barangay, pangkat-etniko, at at antas ng katayuan sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng komedya at dulang tulad ng moro-moro, hindi lamang pinanatiling buhay kundi higit pang pinag-alab ng mga Espanyol ang takot, galit, at pagkamuhing mga kristiyano at muslim sa isa’t isa.
Sa halip ng kapangyarihan ang mga datu at raja, ipinaloob lamang sila sa estruktura ng kapangyarihang kolonyal. Kapalit ng pagtanggap at pagpapasailalim sa kapangyarihang Espanyol, binigyan ang datu at raja at kanilang pamilya ng mga pribelihiyon. Dahil ang dating mga raja at datu ang nagpapatupad ng mga patakaran, hinadlangan nito ang maagang pagkamulat ng mga Pilipino sa paghahari ng mga mananakop.


Mga Pangyayari at SAlik na Nagbigay-Daan sa Pag-Usbong ng Nasyonalismo ng mga Pilipino


Ang pagbubukas ng Suez Canal, umulad ang sistemang paglalakbay, lalong umunlad ang pandaigdigang kalakalan ng Pilipinas at naging madalas ang pagtungo ng mga dayuhang mangangalakal sa Pilipinas dala ng kanilang kaisipang liberal.
Kaisipang liberal, noong 1868, ipinadala ng Espanya si Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre upang pamunuan ng Pilipinas.
Dalawang uri ng Lipunan, Ua ang PRINCIPALIA at ang MASA.
Ilustrado, Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at si Mariano Ponce.
Kilusang Sekularisasyon.
Dalawang uri ng Pari, Regular at Sekular.
Padre Pelaez ay ang namuna at nagtatag ng kilusang sekularisasyon kabilang na ang GOMBURZA.