Biyernes, Oktubre 18, 2013

Mga Estratihiya sa Pananakop ng mga Espanyol  

Dalawang pangunahing estratihiya ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop: ang kolonisasyon at ang ebanghelisasyon. Ang ebanghelisasyon na sinasagisag ng krus ay isinagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Samantala, kung hindi makuha sa mapayapang paraan, ang paggamit ng lakas at puwersa sa pamamagitan ng kolonisasyon ang ipapatupad ng paraan raw ng  pananakop. Sa paggamit ng lakas military, sinisimbolo ang kolonisasyon ng espada. Ang mga misyonero ay naging hukbong ng tagapagpaamo ng pamahalaang Espanyol. Ang ganitong pananaw ng mga Espanyol ay hango raw mismo sa pinag,ulan ng terminong sibilisasyon na mula raw sa salitang Latin na civitas na nangangahulugang “siyudad”. Masasaabing ang pagmamaliit at pagpapababa ng mga Espanyol sa katutubong kultura ng mga Pilipino ang isa sa kanilang naging kasangkapan upang sakupin ang Pilipinas.
Reaksyon: Dapat ang mabuting estratihiya ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop nila sa isang bansang kanilang sinasakop.
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento