Sabado, Oktubre 19, 2013



Entrada,Reduccion, at Doctrina


Entranda ang unang hakbang sa pananakop na ipinapatupad ng mga Espanyol sa pasipikasyon ng mga Pilipino. Ang mga puwersa ng pamahalaan ay binubuo ng ilang sundalong Espanyol na nagsisilbing pinuno kasama ang mga Pilipinong kanilang unang naging tagasunod at nabinyagan sa Kristiyanismo.
Reduccion (resettlement) ay ang pag-iipon ng mga tao sa iba’t ibang barangay sa isang sentro na tinatawag na cabecera. Kalaunan ang cabecera ang siya naring magiging pinakasentro ng isang bayan na tatawaging pueblo ng isang cabecera at mga barangay. Ang cabecera ay may natatanging disenyo o kaayusan ng paninirahan (settlement pattern) sa tinatawag na plaza real-convento complex. Dito rin itinatayo ang mga gusaling yari sa bato tulad ng simbahan, kumbento, bahay-pamahalaan o casa tribunal, palengke, sementeryo, at maging sabungan. Sukatan ang paninirahan ng mga Pilipino sa plaza real-convento complex na sila ay ganap nanng namumuhay bilang mga sibilisado at hindi na barbaro. Ang reduccion ay nagbigay daan upang higit na maging madali ang kanilang pasipikasyon ng mga Pilipino. Samantala ang mga paring misyonero naman ang nangangasiwa sa pagpaatupad ng doctrina.ang mga misyonero ang nangangasiwa sa pagbibinyag sa simbahang Katoliko ng mga katutubong itinuring nilang pagano. Kadalasan, ang simbahan ang unang gusali na yari sa bata na itinayo sa isang cabecera. Dahil ang mga misyonero lamang ang kadalasang Espanyol sa isang pueblo, ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan at simbahan ay naiiwan sa kanilang mga kamay.
  

Reaksiyon: Bakit pa kailangang may Entrada, Reduccion, at Docrtina na ipapatupad para sa mga Pilipino at magpatupad din ng kaayusan ng paninirahan (settlement pattern).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento