Kawalan ng Diwang
Makabansa Bilang Sanhi ng Kabiguan ng mga Pag-aalsa
Sa tatlong dang pag-aalsa ang nangyari sa bansa. Bagamat
nabigong lahat ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Dahil na
din sa kawalan ng pambansang pagkakaisa. Karaniwang pansarili ang dahilan at
panrehiyon lamang ang partisipasyon ng mga kasama sa pag-aalsa. Maging ang
makikinabang sa ipinaglalaang layunin ng mga pag-aalsa ay masasabing local din.
Bunga nito, maituturing lamang na patriotism o pagmamahal sa particular ang
damdaming nagbuklod sa mga pag-aalsa.
Naging matagumpay ang mga Espanyol sa paghadlang sa pagkabuo
ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino. Epektibo ang pagpapatupad ng
estratihiyang divide et impera (divide
and conquer) para hadlangan ang pagkabubuklod ng mga Pilipino bilang isang
bansa. Sinamantala ng mga Espanyol ang sinaunang pagkawatak-watak ng mga
Pilipino bilang magkahiwalay na barangay, pangkat-etniko, at at antas ng
katayuan sa lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng komedya at dulang
tulad ng moro-moro, hindi lamang pinanatiling buhay kundi higit pang pinag-alab
ng mga Espanyol ang takot, galit, at pagkamuhing mga kristiyano at muslim sa
isa’t isa.
Sa halip ng kapangyarihan ang mga datu at raja, ipinaloob
lamang sila sa estruktura ng kapangyarihang kolonyal. Kapalit ng pagtanggap at
pagpapasailalim sa kapangyarihang Espanyol, binigyan ang datu at raja at
kanilang pamilya ng mga pribelihiyon. Dahil ang dating mga raja at datu ang
nagpapatupad ng mga patakaran, hinadlangan nito ang maagang pagkamulat ng mga
Pilipino sa paghahari ng mga mananakop.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento