Sabado, Oktubre 19, 2013



Sistemang Encomienda


Nagmula ang encomienda sa salitang encomendar na ang kahulugan ay “ipagkatiwala”. Ito ay ang mga karapatan at tungkulin na ipinagkatiwala at ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa sinumang Esanyol at maging katutubo na nakatulong sa pamamayapa ng Pilipinas. Kinakailangan itong ipagtanggol ang mga tao labang sa pananalakay ng mga tulisan o taong-labas, pirata, at “moro”. Bilang gantimpala sa pagganap ng mga nabanggit na tungkulin, ang enconmendero ay binigyan ng kapangyarihan mangolekta ng buwis na tinatawag na tributo, 8 reales sa bawat taon sa lahat ng lalaking mula 19 hanggang 60 taong gulang. Tanging ang kapangyarihan mangolekta ng buwis ang kanyang buong sipag at higpit na ginampanan. Ito ay naging kasangkapan na lamang ng mga encomendero sa kanilang mabilis na pagyaman at eksploytasyon ng mga Pilipino. Dahil sa mga pangrereklamo ng pang-aabuso laban sa mga encomendero ganap nang pinawalang-bisa ng hari ang lahat ng pribadong encomienda noong 1791.


 Reaksiyon: Tama lang naman na may magtatanggol sa mga Pilipino mula sa mga taong labas pero bakit kailangan pang mangulekta ng buwis ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento